BERBEROKA

ANO ANG BERBEROKA?

Ayon sa mga alamat, ang Berberoka ay isang nilalang na nainirahan sa anyong-tubig tulad ng ilog, lawa at latian. Dahil madalas itong lumalangoy sa malalim na tubig, mahirap tiyakin kung ano talaga ang hitsura nito. Kilala ang nilalang na ito sa mga parte ng Abra, Apayao at Ilocos Norte.

ANO BANG GINAGAWA NITO?

Sinasabi ng mga mangingisda na humihigop ito ng napakaraming tubig hanggang mabawasan ang taas ng tubig sa ilog. Dahil sa ngayong-mababaw na tubig, madaling makita at hulihin ang mga isda.

Ito ay nagsisilbing pain sa mga maningisda upang sila’y lumapit sa nagtatagong Berberoka. Biglang bubuga ang Berberoka ng tubig na hinigop nito upang lunurin ang mga kawawang mangingisda. Kakainin ng Berberoka ang mga biktimang nalunod at susubukan nitong hulihin ang mga tumatakas.

Kailangang mag-ingat ang mga lumalangoy at nangingisda tuwing gabi sapagkat ang nilalang na ito ay nakakakita sa dilim at napakaaktibo tuwing gabi.

BAKIT ASTIG ITO?

Sabi ng iba na takot ang Berberoka sa mga alimango. Isang halimbawa ng ironya: Isang malaki, marahas at nakatatakot na nilalang ay takot sa munting alimango. Ang Berberoka ay isang patunay na talagang malikhain ang imahinasyon ng ating mga ninuno sa pagpapaliwanag ng kanilang kapaligiran. Ipagmalaki natin ang kaastigan at pagkamalikhain ng ating kultura.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

w

Connecting to %s